GMA Logo MAKA star Josh Ford
What's on TV

Josh Ford, mapapanood na muli sa 'MAKA Season 2'

By Aimee Anoc
Published May 22, 2025 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pasaporte ni Zaldy Co, kanselado na, ayon kay Marcos
DENR files case vs Monterrazas project in Cebu City
Dennis Trillo unboxes Best Actor trophy from Asian Academy Creative Awards 2025

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA star Josh Ford


Excited na rin ba kayong muling mapanood si Josh Ford bilang Josh Taylor sa 'MAKA Season 2'? Abangan siya soon kasama ang MAKA barkada.

Muling mapapanood sa hit youth-oriented show na MAKA ang Sparkle actor na si Josh Ford.

Pansamantalang hindi napanood sa MAKA Season 2 si Josh nang pumasok ito bilang housemate sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition noong March.

Ngayong nasa outside world na si Josh matapos na ma-evict sa Bahay ni Kuya noong May 10, excited na siya sa mga upcoming project kabilang na ang pagbabalik sa MAKA Season 2.

Sa MAKA Season 2, napanood si Josh bilang Josh Taylor, isa sa love team ni Zephanie.

"Sa mga projects may mga naka-lineup na rin. I can't disclose everything but syempre you will see me again soon on MAKA," sabi ni Josh sa interview ng GMANetwork.com.

"So, sana abangan n'yo po ako roon. Abangan n'yo 'yan. I'm gonna go back to MAKA and makikilala n'yo ulit kung sino si Josh Taylor," dagdag niya.

Abangan ang pagbabalik ni Josh Ford sa MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

MAS KILALANIN SI JOSH FORD SA GALLERY NA ITO: