
Napapanood ngayon ang Sparkle actor na si Josh Ford sa primetime series na My Guardian Alien, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Binibigyang-buhay ng Sparkle Teen ang role bilang si Aries, ang trabahador sa farm ng pamilya Soriano.
Related gallery: Meet Josh Ford, the 'British Boy Next Door'
Sa recent Kapuso ArtisTambayan, napanood ang masayang kuwentuhan nina Kapuso host Maey Bautista kasama ang ilang cast ng My Guardian Alien na sina Josh, Caitlyn Stave, Raphael Landicho, Sean Lucas, at Shanelle Agustin.
Dito ay ikinuwento ni Josh ang mahalagang aral na natutunan niya mula sa Kapuso Primetime Queen.
“One big thing na naalala ko talaga, sabi ni Ate Yan, is always to be respectful. Hindi lang kay Direk, pati na rin sa mga crew. Kailangan you have to respect everyone the same way,” aniya.
Dagdag pa niya, “'Yun 'yung importante. Kahit na minsan nagkakamali ka sa set, basta be respectful. Kunwari mainit 'yung ulo mo, basta maging mabait ka sa tao kasi hindi mo alam 'yung pinagdadaanan ng mga ibang tao.
“Kaya I always stay true to myself and syempre always be kind to others.”
Bukod dito, puspusan ang naging paghahanda ni Josh para sa kanyang karakter.
“Very big change po talaga and inaral ko po talaga 'yung script para maintindihan ko kung sino ba talaga si Aries,” saad niya.
Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.
Mayroon ding delayed telecast ang programa sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.