GMA Logo Kira Balinger and Josh Ford
Source: joshford321 and joshford_clips (IG)
What's Hot

Josh Ford, naghanda ng isang sweet midnight surprise para kay Kira Balinger

By Mark Joseph F. Carreon
Published August 4, 2026 3:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipina Alex Eala lives up to the hype with Washington triumph
National ID holders can get free MRT-3, LRT-2 rides every Wednesday this August
Buboy Villar at Kokoy De Santos, mag-aala-Running Man sa lantakan! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

Kira Balinger and Josh Ford


Nagpakilig si Josh Ford sa ginawa niyang surprise para sa kaarawan ni Kira Balinger.

Hindi napigilang kiligin ng mga tagahanga matapos sorpresahin ng Sparkle actor na si Josh Ford ang kanyang katambal sa 'KiSh' na si Kira Balinger para sa kaarawan nito noong Lunes, August 3.

Sa isang sweet gesture, naghanda si Josh ng isang midnight surprise para kay Kira. Ibinahagi ng aktor ang ilang mga tagpo sa isang Instagram reel, kung saan nagkunwari pa siyang nakalimutan ang kaarawan ng aktres.

Tinawagan niya si Kira at sinabing may pina-deliver siya para rito na kailangan nitong hintayin sa labas.

“Birthday surprise for the birthday girl,” ang simpleng caption ni Josh sa kanyang post.

Kitang-kita ang gulat at saya sa mukha ng aktres nang tumambad sa kanya na si Josh mismo ang naghihintay sa labas ng kanilang bahay, habang may dalang cake at magandang bouquet ng sunflowers. Dahil sa labis na tuwa, napayakap na lamang si Kira kay Josh bago ito pinatuloy sa kanilang tahanan.

Salubong sa kaarawan ni Kira, kinantahan siya ni Josh kasama ang kanyang buong pamilya habang masayang nagsasalu-salo at nagkukwentuhan sa hapag-kainan. Ipinakilala rin ng aktres kay Josh ang kanyang mga alagang aso na masaya namang nakipagkulitan sa aktor.

Bilang pasasalamat, nag-iwan ng komento si Kira sa post ni Josh.

“THANK YOU JOSHIEE KO!!!” ani Kira. Dagdag pa niya sa isa pang komento, “Finally na-meet mo rin mga anak ko HAHAHAHA.”

Hindi rin palalampasin ng Kapuso actor at kaibigan nilang si Michael Sager ang pagkakataon na mag-iwan ng pabirong hirit.

“Can you surprise me like this din?” nakakatuwang komento ni Michael.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga tagahanga para sa kaarawan ng aktres, gayundin ang papuri sa ipinakitang effort ni Josh para sa katambal.

“Happy birthday @kira_balinger. Love you both,” sulat ng isang fan sa comments section.

“Grabe, nakangiti lang ako habang nanonood. Super nakakakilig! Ang sweet at effort naman ng poging si @joshford321 . Bagay na bagay talaga kayo ni Kira. Ang ganda n'yong panoorin!” ani ng isa.

“Now this is just the cutest!!! Huhu tapos grabe naman yung paglabas ni Kira, no make-up freshness tapos sobrang ganda!!! Haha Happy Birthday Kira! Joshy you are so amazing!!! It fills my heart with so much joy seeing you being so caring and loving kay Kira!” komento pa ng isang fan.

“Thank you so much for your love and care for Kira, Josh,” pahayag ng isa pa.

A post shared by Josh Ford (@joshford321)


Tinaguriang “OG love team” ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Season 1 sina Josh at Kira. Sila ang naging unang opisyal na duo ng isa't isa, at ang pangalang 'KiSh' ang naging opisyal na taguri sa kanilang tambalan.

Kamakailan lang ay huling napanood ang dalawa sa horror film ng GMA Pictures na Huwag Kang Titingin.

Related Gallery: Josh Ford spends post-birthday at an elderly home with Kira Balinger