
Evicted man sa Bahay ni Kuya, umaapaw pa rin ang pasasalamat ng Survivor Lad ng United Kingdom na si Josh Ford.
Paglabas pa lang niya sa outside world, tila na-overwhelm ang Kapuso star sa init ng suporta mula sa kanyang fans.
Sa isang video message, taos-puso ang naging mensahe ni Josh sa lahat ng sumuporta sa kanyang PBB journey.
"Thank you so much! Nahihiya ako ngayon pero maraming salamat po. From the bottom of my heart, I really appreciated lahat po ng mga sumusuporta po at nagbibigay ng suporta sa amin, maraming maraming salamat," ani Josh.
"Honestly, it feels so uplifting at sobrang happy ko and nahihiya ako. Thank you guys, honestly. You guys mean a lot to me. Wala ako ngayon, kung hindi dahil sa inyo. Mahal ko kayong lahat."
Ngayon na nakabalik na si Josh sa outside worldy, excited na raw siyang muling makasama ang kanyang mga kaibigan, fans, at mga mahal sa buhay.
"I'm so excited to mas mapakilala ko ang sarili ko sa inyo and sa meet-ups natin if ever, looking forward to it," dagdag pa niya.
Si Josh at ang kanyang ka-duo na si Ralph De Leon ang ika-apat na evicted housemates ng programa. Lumabas sila sa Bahay ni Kuya nitong Sabado ng gabi (May 10) kung saan sinalubong sila ng kanilang fans at pamilya.
Patuloy ang mga sorpresa at twists sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.