
Muling bumuhos ang mabigat na emosyon ng Kapuso at Kapamilya housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya sa ikaapat na eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Inanunsyo na ng PBB host na si Bianca Gonzalez ang naging resulta ng mga boto mula sa fourth nomination ng programa nitong Sabado ng gabi, May 10.
Sa kalagitnaan ng takot at kaba ng celebrity housemates, unang binanggit na ligtas sa eviction ang ShuCa, ang duo nina Shuvee Etrata at Bianca De Vera.
Courtesy: Pinoy Big Brother, GMA, ABS-CBN
Kasunod nito, ang apat na natirang nominado ay pinagsama-sama para sa pag-anunsyo ng celebrity duo na mananatili rin sa paninirahan sa iconic house kasama ang iba pang housemates.
Nang banggitin ang pangalan nina Xyriel Manabat at Dustin Yu ay napagtanto na nina Josh Ford at Ralph De Leon na sila ang ikaapat na duo na evicted na sa Bahay Ni Kuya.
Courtesy: Pinoy Big Brother, GMA, ABS-CBN
Sila Josh Ford at Ralph De Leon ay nakilala sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Survivor Lad ng United Kingdom at Dutiful Judo-son ng Cavite.
Courtesy: Pinoy Big Brother, GMA, ABS-CBN
Samantala, huwag palampasin ang susunod na mga sorpresa at twists sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.