
Ramdam na ramdam na ang excitement ng The Secrets of Hotel 88 stars, Pinoy viewers, at fans para sa upcoming series.
Related gallery: Meet the cast of 'The Secrets of Hotel 88'
Kabilang sa mga talaga namang ready na para sa bagong palabas ay ang Sparkle stars na sina Josh Ford at AZ Martinez.
Bukod sa kanila, handa na rin ang Star Magic artist na si Xyriel Manabat.
Sa TikTok, trending ang video ni Josh, kung saan makikita ang kulitan moments nila ng ilan sa kanyang The Secrets of Hotel 88 co-stars na sina AZ at Xyriel.
Ang naturang video ay mayroon na ngayong 4.2 million views at mahigit 450,000 heart reactions.
Mababasa sa caption nito, “Ready na for Hotel 88 #Hotel88 @Xyriel Manabat, @AZ Martinez.”
Panoorin ang kulitan moments ng The Secrets of Hotel 88 stars na sina Josh Ford, Xyriel Manabat, at AZ Martinez sa video sa ibaba.
@joshykosh101 Ready na for Hotel 88 #Hotel88 @Xyriel Manabat @AZ Martinez ♬ original sound - Josh Ford
Sina Josh, AZ, at Xyriel ay unang nagkasama-sama noon sa Bahay Ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Abangan sila at ang iba pang ex-housemates ni Kuya sa The Secrets of Hotel 88, ang bagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN.