
Bagama't bago lang sa hit sitcom na Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0, ipinaramdam agad ng Kapuso Primetime couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na welcome ang Sparkle Teens na si Josh Ford sa Bonggang Villa fam!
First time lumabas ng Sparkle actor bilang Gio sa comedy show last February 24, kung saan makakapareha niya si Lei Angela na gumaganap naman bilang Isay.
Kuwento ni Josh sa GMANetwork.com, nakakatuwa rin na makita na curious daw ang DongYan na makilala siya pati ang kaniyang pamilya.
Lahad ng guwapong aktor, “Para sa akin, may favorite one, kasi it was quite personal to me. Pinag-usapan ko po is about my family, very family person po talaga ako.
“Nung tinatanong po nila ako about my family, taga saan po ba ako, what does my family do... doon ako nagkaroon ng deeper level [of connection] with Kuya Dong and Ate Yan. Sobrang relaxing, hindi ka kakabahan. Hindi ka parang, mafi-feel out of place. They are so welcoming.”
Inilarawan naman ni Josh na “surreal” experience nang first time niya makita ang sarili sa TV bilang Gio.
“Surreal na feeling, kasi siyempre sina Kuya Dong at Ate Yan pinapanood ko lang dati sa TV. Tapos ngayon kasama ko na sila sa Bonggang Villa. Kaya siyempre nung nakita ko 'yung sarili ko na kasama sila sa isang frame, siyempre sobrang excited and sobrang blessed, and thankful na nandoon ako at masasabi ko na nakasama ko po sila.”
May gusto ba siya i-improve sa pagganap niya bilang Gio?
“Siyempre nung pinapanood ko po 'yung sarili ko, siyempre parang 'yung mga angulo [inaaral ko] na maganda. Kung paano magbigkas ng mga words.” paliwanag ng aktor.
Tutukan ang pagganap ni Josh Ford bilang si Gio sa Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0 tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: MEET SPARKLE CUTIE JOSH FORD