GMA Logo Josh Ford Vince Maristela feud
Sources: joshford321/IG, vincemaristela/IG
What's on TV

Josh Ford, umaasang magkakaayos pa sila ni Vince Maristela

By Kristian Eric Javier
Published May 20, 2025 1:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No winners in 6/49, 6/58 lotto draws on Sunday, Dec. 28
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Josh Ford Vince Maristela feud


Matapos ang alitan sa loob ng bahay ni kuya, umaasa pa rin si Josh Ford na magkakaayos sila ni Vince Maristela.

Umaasa pa rin si Sparkle star Josh Ford na magkakaayos pa rin sila ng kapwa Sparkle artist na si Vince Maristela na nakaalitan niya noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa pagbisita ni Josh sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 19, inamin ng young actor na hindi niya inaasahan na kumprontahin siya ni Vince na tila sinisisi siya sa “sopas” joke.

“Ako po, hindi ko rin po talaga in-expect that from Vince because ayoko namang sabihin mababa 'yung rason kung bakit ako 'yung na-point out, na 'yung sa sofa situation po, parang sinisi niya po ako sa harapan ng lahat ng mga ibang boys na ako 'yung may kasalanan. So siyempre nasaktan po ako du'n,” sabi ng aktor.

Dagdag pa ni Josh ay tila pinahiya pa siya ng kaniyang kapwa housemate sa pag-single out sa kaniya sa harap ng kanilang mga kasama sa loob ng Bahay ni Kuya. Aniya, mas ma-a-appreciate sana niya kung pribado silang nag-usap.

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGKAROON NG ALITAN NOON NA NAGKABATI NA NGAYON SA GALLERY NA ITO:

Matatandaan na kinall out ni Vince si Josh sa pag-ulit nito sa biro noon ni Michael Sager na lagyan ng sopas ang water jug ng aktor. Ani Vince, pambubully daw ito, ngunit dinepensahan naman ni Josh ang sarili na hindi siya bully. Sa katunayan, inakala niyang malapit na sila ng kaniyang housemate kaya siya nakapagbiro ng ganu'n.

Matapos ang alitan ay nagkaayos din naman ang dalawa ngunit sabi ni Josh kay King of Talk Boy Abunda, “Supposedly yes, dapat talaga we stuck to it but I wasn't really feeling him. Parang hindi ko po siya masyadong nararamdaman tuwing nag-uusap kami.”

Sa kabila nito, ibinahagi ni Josh ang kaniyang hiling na sana magkaayos pa sila ni Vince sa paglabas nila sa Bahay ni Kuya.

“Siyempre ayaw ko naman magkaroon ng mga problema or like any issues between other people. Siyempre gusto ko rin pong ayusin and sana this time mas maramdaman ko na po 'yung, you know, being genuine with me,” sabi ng young Sparkle star.

Panoorin ang buong panayam kay Josh dito: