GMA Logo joshua decena
What's on TV

Joshua Decena, na-in-love sa dancesport dahil sa 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published September 8, 2025 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki, patay sa bugbog ng ex-bf ng kaniyang kinakasama
Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

joshua decena


Nahanap ni Joshua Decena ang bago niyang passion sa dancesport matapos ang kaniyang recent performance kasama si Thea Astley sa 'Stars on the Floor.'

Sa gitna ng mga challenges at iba't ibang dance genres sa Stars on the Floor, nadiskubre ni Joshua Decena ang kaniyang bagong paboritong routine.

Sa Instagram, ibinahagi ng digital dance star na "first time" niyang sumabak sa dancesport, kung saan nakasama niya ang ka-duo na si Thea Astley sa isang samba performance na nagpakita ng masigla at makulay na kultura ng Brazil.

"Big smiles today cause we bagged a win," sabi ni Joshua.

Inamin nito, "My first time doing dancesport EVER. Never thought SAMBA would be our first win."

Ibinahagi rin ni Joshua na nahirapan siya sa routine na ito pero nagpasalamat siya dahil mayroon silang "best coaches" na sina Coach Cheng at Coach Louie.

"You were very patient and encouraging, which helped a lot with the process. I was always so afraid of dancesport or any type of ballroom but you made me fall in love with it," sabi ng digital dance star.

Dagdag pa niya, "I never thought I would enjoy such an unfamiliar genre to me."

A post shared by Joshua Decena (@joshuadecena_)

Mas lalong naging espesyal ang dancesport para kay Joshua dahil ito ang unang panalo nila ni Thea bilang final dance star duo.

Itinanghal sina Joshua at Thea bilang 9th top dance star duo at nakatanggap pa ng papuri at standing ovation mula sa dance authorities.

Abangan pa ang kanilang mga nakakamanghang performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, kilalanin si Joshua Decena sa gallery na ito: