GMA Logo Joshua Decena, VXON Patrick
Photo source: Stars on the Floor, joshuadecena_ (IG)
What's on TV

Joshua Decena, naka-relate sa OFW story sa kanilang interpretative dance ni VXON Patrick

By Karen Juliane Crucillo
Published July 29, 2025 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcelito Pomoy nang makamayan si Donald Trump sa isang event: 'Once in a lifetime lang po 'yon'
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Decena, VXON Patrick


Ramdam ni Joshua Decena ang lalim ng kuwento ng mga OFW sa kanilang interpretative dance performance ni VXON Patrick.

Sa dami ng nagpasiklab sa kanilang mga performance noong Sabado, July 26 sa Stars on the Floor, tumatak at kakaiba ang hataw nina Joshua Decena at VXON Patrick.

Ipinamalas nina Joshua at Patrick ang kanilang husay sa interpretative dance, kung saan kanilang ikinuwento sa pamamagitan ng galaw at emosyon ang buhay ng OFWs.

Sa kanilang performance, gumanap si Joshua bilang isang kuya na kailangang mangibang-bansa, habang si Patrick ang kanyang bunsong kapatid na labis ang lungkot sa paglisan nito.

"Patrick and I want you guys to make you feel what a lot of Filipinos feel, kasi maraming pamilya ngayon ang may OFW," sabi ni Joshua.

Inamin ni Joshua na personal siyang naka-relate sa istorya ng kanilang performance.

"Humiwalay ako sa family ko, which it kind of hurts like my longing, I wish I could see my family more often, wish I could just not work," ikinuwento nito.

Biro ni Patrick bago sila sumalang sa stage, "Baka mamaya kapag nag-perform na tayo, baka umiyak ka ah."

Ibinahagi din ni Joshua ang excitement na maka-duo si Patrick, lalo't kilala ito bilang main dancer. Mas naging espesyal pa ito dahil bago sa kanila ang pagsayaw ng interpretative dance.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Dahil sa kanilang nakakaantig na performance, itinanghal sina Joshua at Patrick bilang 4th top dance star duo.

Patuloy na abangan ang kanilang mainit na performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, mas kilalanin dito ang digital dance star na si Joshua Decena: