
Naantig ang The Clash judges sa performance ng 21 years old na si Joshua Dela Cruz sa 'Laban Kung Laban' round, kung saan inawit niya ang "Warrior is a Child" ni Gary Valenciano.
Ayon sa panayam kay Joshua, ang kanyang pamilya ang kanyang pinaghuhugutan kaya naman naging emosyonal ang kanyang pagkanta.
Ayon kay Comedy Queen Aiai Delas Alas, "Sobrang na-move ako sa istorya ng buhay mo and 'yang mga pinagdadaanan mo na 'yan, 'yan ang gagawin mong bala para lumaban ka sa buhay at para lumaban ka sa mga contest."
Sa kanyang parte, sabi naman ni Christian Bautista, "Clearly, today was an emotional performance and we really felt your emotion, you were really there."
Komento pa ng Asia's Romantic Balladeer, kailangang itodo pa ni Joshua ang kanyang kakayahan sa pag-abot ng nota.
"Sa last part when you wanted to change it into a falsetto, medyo parang, I think, nag-hesitate ka. 'Di ka sure sa last falsetto. Your voice is good right now. You have to always push to reach for a higher level pa."
Nagbigay naman ng payo si Lani Misalucha para ma-improve pa ang talent ni Joshua.
Ani Asia's Nightingale, "Try your best to develop yourself more. I think ang isang kailangan mo is 'yung proper breathing para ma-sustain mo talaga 'yung isang note.
"Numbe two is pagpo-pronunce ng words. Importante sa aming mga listeners na matindihan kang mabuti."
Pagtatapos ni Lani, "Singing is what you love to do and then make it a point that you will get all the knowledge for you to be able to hone and to develop it more."
Sa nahuli, itinanghal na winner ang katunggali ni Joshua na si Renz Robosa sa 'Laban Kung Laban' round.
Panoorin ang nakakaantig na performance ni Joshua rito: