GMA Logo Joshua Dionisio, Barbie Forteza
Source: hplarjoshuadionisio/IG, barbaraforteza/IG
Celebrity Life

Joshua Dionisio at Barbie Forteza, 'more than friends' sa 'Tween Hearts'

By Kristian Eric Javier
Published September 14, 2025 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Dionisio, Barbie Forteza


Hindi man natuloy ang reel loveteam nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza na maging real couple, aminado naman ang aktor na "more than friends" naman sila sa 'Tween Hearts.'

Isa sa mga hinahangaang loveteam noon sa Tween Hearts ay ang tambalang JoshBie nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza. Ngunit gaya ng maraming loveteams, hindi natuloy sa totoong relasyon ang sa kanila.

Sa pagbisita ni Joshua sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes (September 12), kasama ang dating co-star sa naturang serye na si Joyce Ching, inamin ng aktor na “more than friends” sila ni Barbie noon.

Kuwento ni Joshua na sa lahat ng interviews niya, madalas matanong kung hindi ba tumuloy ang loveteam nila ni Barbie sa totoong relasyon.

“Pero kasi Tito Boy, parang I don't wanna be the one to put a label on it, pero we were very close talaga during that time. I don't wanna be the one to put a specific label,” paliwanag ni Joshua.

Nilinaw rin ni Joshua na sobrang close lang talaga sila ni Barbie, at walang palitan ng “I love you” sa pagitan nila.

“Talagang every day kaming magkasama, totoo naman po talaga na we're more than. Kasi kung si Joyce, I'd consider as my friend before. Pero si Barbie, more than a friend, mas deeper,” sabi ng aktor.

Dagdag pa nito ay maituturing niyang best friend si Barbie noon. Pag-amin pa ni Joshua, hindi man siya in-touch ngayon sa aktres, kaibigan pa rin ang turing niya sa aktres lalo na at wala naman siyang sinunog na mga tulay sa lahat ng mga nakatrabaho.

Bukas pa rin siya hanggang ngayon na makatrabahong muli si Barbie sa isang proyekto kung gugustuhin ng aktres.

“Sa projects, parang wala naman po akong power para mag-demand so kung ano lang po 'yung maibigay sa akin and kaya sa schedule, I'll gladly accept it. And if merong offer with Barbie, I don't mind, okay naman. Kung okay lang din sa kaniya, why not?” saad ni Joshua.

Proud din siya sa narating ng Beauty Empire actress sa kaniyang karera ngayon, lalo na't alam niya at dinanas din niya ang naranasan nito noon.

“Alam ko rin 'yung pinanggalingan ni Barbie, king ano 'yung history niya sa career niya na nakaka-relate po ako sa kaniya na ganu'n din naman ako nagsimula rin so [I'm] really happy sa lahat ng mga achievements niya ngayon,” sabi ni Joshua.

Panoorin ang panayam kay Joshua rito:

TINGNAN KUNG NASAAN NA NGA BA NGAYON ANG MGA BIDA NG 'TWEEN HEARTS' SA GALLERY NA ITO: