GMA Logo Joshua Garcia on 24 Oras
What's Hot

Joshua Garcia, na-realize nung pandemic na hindi niya kailangan ng sports car

By Aedrianne Acar
Published October 15, 2023 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Korean stars Kim Myung Soo, Choi Bo Min named PH tourism ambassadors
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia on 24 Oras


Ano nga ba ang dahilan at napabili ng sports car si Joshua Garcia noon?

Simpleng buhay ang hangad ng Unbreak My Heart star na si Joshua Garcia.

Ito raw ang na-realize ng 26-year-old actor sa nakalipas na mahigit dalawang taon na pananalasa ng COVID-19.

Sa eksklusibong panayam sa Kapamilya heartthrob ng 24 Oras, ibinahagi nito ang ilan sa mga rason niya kung bakit napabili siya ng mamahaling sports car.

Paliwanag ni Joshua sa "Chika Minute," “Nung una kasi, siyempre, dahil bago lang sa akin lahat ng 'yun, binibili ko talaga lahat ng gusto ko. So, gusto ko ng sports car, Dodge, bumili ako. Gusto ko ng motor na maganda, so big bike, bumili rin ako.

“Nangyari rin 'yung pandemic. Doon ko na-realize kung ano ba talaga 'yung gusto ko lang, ano 'yung kailangan ko."

Sunod na tanong niya sa sarili, “Makakatulong ba 'to sa akin? Kasi, parang 'pag tumagal after four, five years, kumusta na 'tong sasakyan na 'to sa akin?”

“Dun ko lang din na-realize lahat kung ano 'yung mga importante sa akin.”

Joshua Garcia on 24 Oras

Alam din daw ng guwapong aktor ang kahalagahan ng kinikita niya sa show business dahil hindi naman daw siya lumaking mayaman.

Kaya naman ibinahagi niya sa 24 Oras ang ilan sa ginawa niyang investments.

“Hindi ako lumaking may pera, may kaya. So sabi ko sa pamilya ko, hangga't meron ako, talagang susuporta ako. Kasi 'pag dumating na ako naman 'yung wala, sila 'yung susuporta sa akin,” natatawang sinabi ng aktor.

Pagpapatuloy ni Joshua, “Yes! Kailangan 'yun, hindi ko siya iniipon sa bangko. Nilalagay ko siya sa mga bagay na lalago. Investing is a good way.”

Sinagot din ni Joshua ang tanong ni Nelson Canlas kung bakit siya kumuha ng culinary lessons.

“Papa ko kasi, cook talaga siya. Parang lagi kami nag-uusap before na gusto namin magkaroon ng restaurant, something like that.

“Nagluto ako, nag-aral ako. And para sa akin, kasi parang another way siya na maipapakita mo 'yung pagmamahal mo sa importante sa'yo 'di ba? Sa mahal mo sa buhay, puwede mo lutuan 'di ba?”

BEHIND-THE-SCENES MOMENTS SA UNBREAK MY HEART: