GMA Logo Joshua Zamora, Jopay Paguia, Alex Castro, Sunshine Garcia
Sources: therealjoshuazamora/IG, bmalexcastro/IG
What's on TV

Joshua Zamora, Alex Castro, suportado ang pagbabalik entablado ng mga asawa

By Kristian Eric Javier
Published March 11, 2026 3:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ERC: ‘Full impact’ of Middle East conflict on electricity prices to be felt April, May
Rider shot dead at carwash in GenSan
Meralco to increase power rates this March

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Zamora, Jopay Paguia, Alex Castro, Sunshine Garcia


Proud sina Joshua Zamora at Alex Castro sa kanilang mga asawa na sina Jopay Paguia at Sunshine Garcia sa kanilang SexBomb reunion concert.

Hindi maitanggi nina “SexBomb Husbands” Joshua Zamora at Alex Castro ang pagiging proud sa kani-kanilang mga asawa na miyembro ng tinaguriang OG girl group ng Pilipinas na sina Jopay Paguia at Sunshine Garcia.

Ito ay pagkatapos ng limang magkakasunod na matagumpay na concert ng grupo at ang nakaabang nilang mga event sa ibang bansa.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 10, ipinahayag nina Joshua at Alex ang kanilang paghanga at suporta sa kanilang mga asawa. Sa katunayan, sabi pa ng Bulacan Vice Governor, madalas hanapin sa kaniya ng mga tao ang kaniyang asawa.

“Lalo na sa Bulacan, maraming fans ang SexBomb, e. So parang dati, Vice Gov., ngayon, 'Vice Gov., asan si Sunshine?' O kaya, 'pag pupunta ka sa ibang lugar, siguro kapag nakikita nila 'yung video ko sa Facebook, 'Uy, 'yung asawa ni Sunshine!' Puro ganu'n,” sabi ni Alex.

BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA UNANG REUNION CONCERT NG SEXBOMB GIRLS SA GALLERY NA ITO:

Dagdag pa ni Joshua, masaya silang malaman ng mga tao na suportado nila ang kanilang mga asawa.

“Ako, super proud talaga ako, Tito Boy dahil wala naman talaga nag-akala na magiging ganito kalaki itong concert na 'to. And we're proud to be husbands dahil makita lang namin sila on stage na sila mismo, maligaya, for us, fulfillment na 'yun, e,” sabi ni Joshua.

Ibinahagi rin ni Alex ang sakripisyong ginawa ni Sunshine nang iwan niya ang karera para alagaan ang kanilang pamilya. Kaya naman noong nakita niya kung gaano kasaya ang asawa noong sumasayaw ito sa concert, nakita niya kung gaano kamahal ng asawa ang pagsasayaw.

“Nakita ko siya habang sumasayaw, nakita ko 'yung ngiti niya, 'yung mata niya na bago niya ako mahalin, iyon ang mahal niya, e. So 'yun 'yung mahal niya na dapat kami, hindi dahil para gusto lang namin pumapel du'n sa concert, kundi genuine 'yung pagka-proud namin bilang asawa dahil nakikita namin na ito 'yung time na nagsha-shine 'yung asawa namin,” sabi ni Alex.

Panoorin ang panayam kina Joshua at Alex dito: