
Napapanood ngayon sa intense drama na Akusada ang Sparkle star na si Jourdanne Baldonido.
Related gallery: On the set of Akusada
Marami ang pumuri kay Jourdanne sa pagganap niya sa serye bilang si Lia, ang anak nina Carol/Lorena (Andrea Torres) at Wilfred (Benjamin Alves).
Sa ilang behind-the-scenes at clips ng young Sparkle artist sa social media, mapapanood siya na talaga namang nag-e-enjoy at nagdadala rin ng saya sa set ng Akusada.
Sa isang video, makikita si Jourdanne na kinakain ang food props na ginamit sa eksena nila ng kontrabida sa serye na si Roni Pineda (Lianne Valentin).
Kasalukuyang pinag-uusapan sa serye ang tungkol sa kustodiya ni Lia dahil patuloy siyang pinag-aagawan ng kanyang mga magulang na sina Carol/Lorena (Andrea Torres) at Wilfred (Benjamin Alves).
Samantala, ang karakter na si Lia ay unang ginampanan ng child star na si Erin Espiritu.
Ilan pa sa mga napapanood sa intense drama ay sina Ashley Sarmiento, Marco Masa, Shyr Valdez, Arnold Reyes, Ahron Villena, Jeniffer Maravilla, at iba pa.
Patuloy na subaybayan ang istorya ng Akusada, weekdays, 4:00 p.m. sa Kapuso Stream at GMA Afternoon Prime.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.