
Ramdam na ramdam ang warm support ng child star na si Jourdanne Baldonido sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemate na si Marco Masa.
Sa social media posts ni Jourdanne, nanawagan siya para kay Marco na isa sa nominadong housemates ngayon sa teleserye ng totoong buhay.
Mababasa pa sa isa sa mga ito na talaga namang ipinagmamalaki niya kung gaano kabait ang aktor.
Paglalarawan ni Jourdanne kay Marco, “One of the kindest people I know. BBS Kuya Marco Masa.”
Matatandaang naging co-star ng una ang huli sa recently concluded intense drama series na Akusada.
Nakasama rin nila rito ang isa pang housemate ngayon na si Ashley Sarmiento, ang ka-loveteam ni Marco.
Samantala, nakasubaybay din sa PBB journey ni Marco ang iba pang former Akusada stars na sina Andrea Torres, Benjamin Alves, at Jeniffer Maravilla.
Patuloy na tumutok sa mga nangyayari sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show nang live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga ganap sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.
Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'