Article Inside Page
Showbiz News
Confirmed?
By AEDRIANNE ACAR
Mas lalo raw dapat abangan ng mga Dabarkads ang lalong gumaganda at umiinit na mga eksena sa hit segment ng
Eat Bulaga na kalye-serye.
Sa panayam ni Cata Tibayan sa mga gumaganap na The Explorer Sisters na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa 24 Oras ngayong gabi, nagkuwento ang mga ito sa mga susunod na mangyayari sa kalye-serye.
Ayon kay Wally, “Tamang Panahon pa lang 'di ba. Tagpuan pa lang, parang okay nang pumasyal, wala ng one foot-one foot, wala ng hadlang. Papaano pa kaya pagdating ng tamang na matamis na oo.”
Dagdag ni Jose, abangan daw dapat ng AlDub Nation ang mga pasabog na hinanda nila na ikatutuwa ng mga ito.
“Ang pinakamaganda po diyan hindi lang Saturday, araw-araw may mangyayari, araw-araw po may nagaganap lalo na pagdating sa Sabado. May isang malaking pasabog na naman po. Hindi lang po dun lang sa Arena mangyayari, pero sa Studio o kung saang lugar man, sasabog po talaga 'yan.”
Nakakataba rin daw ng puso ayon kay Wally na ginagampanan ang terror lola na si Nidora na maraming kabataan ang natututo sa kanilang programa.
“Sa mga kabataan na akala natin tipong parang hindi natin siniseryoso ‘yung mga Lola, but in the end, kung ano man sinasabi nila para sa kanila ‘yun. Ma-re-realize na lang nila ‘yun ‘Ay tama pala si Lola', ” ani Wally.
Napakuwento rin si Paolo Ballesteros na napapansin nila na higit na blooming si Maine Mendoza. Bakit kaya?
“'Tsaka ngayon ah, parang paganda ng paganda si Maine. Iba na ‘to ah.”
Ibinuko naman ni Jose Manalo or Lola Tinidora na hindi malayo maging totohanan ang love team nila Menggay at Tisoy.
Saad ni Jose, “Makikita n'yo naman sa TV parehong gusto nung dalawa eh. Mayroon siyempre, hindi naman mawawala ‘yun. Kahit sino man, kahit hindi mo gusto ang isang tao, kapag tinutukso ka... nagkakagusto ka na rin.”
“Mayroon talaga. Mayroon na ‘yun, baka mamaya mag-syota na nga ‘yung dalawa,” biro ng komedyante.