
Umpisa pa lang ng laro sa The People Have Spoken, challenging kaagad ang pagpulso sa boses ng People!
Nitong Sabado (July 11), humarap ang Team KRISMART (Kris Bernal at Martin del Rosario) at Team CAMYA (Camille Prats at Iya Villania) sa tanong "Alin ang mas madaling gawin: Give up love for career o give up career for love?"
Para sa House of Lies stars, mas pipiliin nilang bitawan ang pag-ibig kaysa sa career.
"Mas masaya 'pag mas maraming pera. Ang love life, darating din 'yan. Kalma lang kayo. Mahahanap n'yo rin ang tamang tao. Ako naghintay ako, nahanap ko 'yung tamang tao...Pero ang career, minsan lang 'yan. Grab the opportunity," ani Kris.
Samantala, para naman sa Kami Ang Inyong Mga... hosts, mas mahalaga ang love kaysa sa trabaho.
"Siguro ano give up career for love," sagot ni Camille.
Ngunit para kay celebri-peep Baus Rufo, sang-ayon siya na mas mahalagang piliin ang career.
" Alam n'yo para mas madali, ang sagot ko na lang just give up. Bakit pa natin pahihirapan ang mga sarili natin," biro ni Baus.
"Give up love for career. Naniniwala ako na parehong trabaho 'yan. So doon ka na lang sa nagpapasweldo sa'yo. Doon ka sa career," dagdag niya.
"Or magmahal ka ng taong may career!" hirit ni Kapuso host Sean Lucas.
"Magmahal ka ng taong may career para siya ang mag-give up for you. Ganoon," banter ni Baus.
Pareho rin daw ang sagot ni celebri-peep Joy Barcoma dahil mas madaling maghanap ng pag-ibig kaysa sa pagkakakitaan.
"Mas madaling humanap ng lalaki kaysa maghanap ng pera. Para sa akin iiyak na lang ako sa business class," ani Joy.
Habang may kanya-kanyang sagot ang iba, tila nag-alinlangan naman si Kapuso host Heart Evangelista sa kanyang pipiliin.
"Sira kasi talaga ako sa pag-ibig. Sinabi ko rin naman 'yun dati. Before si-hindi e. 'Yun pa rin pipiliin ko," sabi ni Heart habang natatawa sa kanyang sariling conflict.
Sa bandang huli, sinabi ng actress-host na pag-ibig pa rin ang kanyang pipiliin.
"I cannot live, you know, in a world without love. Love will keep us alive. 'Yun talaga ako. Para saan pa ako nabuhay kung wala naman akong nararamdamang pagmamahal?"
Sa naturang round, nanalo ang piniling sagot ng Team KRISMART na may 84% votes mula sa People.
Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.
Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Panoorin ang kulitan nina Heart Evangelista at Sean Lucas sa online exclusive na ito: