
Usapang trabaho at suweldo ang naging tampok sa GMA comedy game show na The People Have Spoken.
Sa July 18 episode ng programa, sinagot ng People at ng celebrity pairs ang tanong na: "Kung first time kang susuweldo, saan mo ito unang ilalaan o gagastusin? Sa sarili, magulang, o bayad utang muna?"
Para sa Team CHAGÂ (Chariz Solomon at Lovely Abella), naniniwala sila na sa magulang unang ilalaan ng People ang kanilang unang suweldo.
Samantala, kutob naman ng Team GELVIN (Angel Guardian at Kelvin Miranda) na pagbabayad ng utang ang pipiliin ng karamihan.
"Syempre, priorities. Kailangang mabayaran ang mga utang n'yo," paliwanag ni Angel.
Dagdag ni Kelvin, "Para next sweldo, [kina] mama at papa na."
Biro naman ni Angel, "At tsaka para hindi kayo mapakulong."
Banat naman ni Chariz kina Angel at Kelvin, "So sa tingin n'yo, 'yung audience natin ngayon, lahat may utang? Grabe naman kayo!"
May opinyon din ang celebri-peeps na sina Joy Barcoma at James Caraan! Para sa bagong duo, mas nararapat umanong unahin ng nagtatrabaho ang sarili.
"'Pag per sweldo, dapat ikaw muna ang makakaramdam kasi 16 years kang nag-aral. Pinaghirapan mo 'yan. Kaya dapat ikaw ang makaramdam niyan. Para hindi ka ma-burn out," ani James.
"Kapag na-burn out ka, mawawalan ka ng trabaho kasi papalya ka sa trabaho. Kaya kailangan regaluhan mo ang sarili mo. So ang sagot ko, sarili muna, pero hindi ko ipapaalam sa magulang ko."
Dagdag naman ni Joy na pinaghirapan din naman ng mismong empleyado ang kinita nito, kaya karapat-dapat lang na mag-self-treat muna.
"Ako ang nag-araro. Ako ang nagtanim. Ako ang nagdilig. Ako ang nag-harvest. Ako ang nagluto. 'Tapos, iba 'yung kakain? Parang hindi naman fair 'yun. So. dapat sarili ko muna at siyempre hindi ko rin ipapaalam sa pinagkakautangan ko," opinyon ni Jusa.
Ngunit para kay Heart Evangelista, mas mahalagang unahin ang pagbabayad ng utang upang magkaroon ng peace of mind.
"Babayaran ko muna 'yung utang ko. Hindi talaga ako makapakali kapag may utang ako tapos biglang gagastos ka ng ganyan. 'Yun lang talaga siguro para ma-enjoy ko 'yung life. Then everything else, para sa sarili ko na at para sa pamilya ko," sagot niya.
Sa naturang round, nanalo ang Team CHAGÂ na may 66% votes mula sa People.
Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: