GMA Logo joy barcoma on unang hirit
Photo by: Unang.Hirit (FB)
What's Hot

Joy Barcoma, binasag ang kanyang katahimikan sa 'Unang Hirit'

By Kristine Kang
Published September 8, 2026 10:22 AM PHT
Updated September 8, 2026 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MV June Aster death toll rises to 76; remains of dog recovered
The Young Achievers Podcast: Abi Marquez and her love for food
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

joy barcoma on unang hirit


Ano kaya ang gustong sabihin ni Joy Barcoma sa kanyang pagbabalik?

Handa na raw ang Pambansang Jusa na si Joy Barcoma na basagin ang kanyang katahimikan!

Nitong Martes, September 8, muling nakasama ng Unang Hirit team ang kanilang special host-mate.

Ngunit sa kanyang pagbabalik, tila may mahalagang kaganapan, lalo na't nakaputi ang kanyang bihis at may kasama pang shades.

"Marami ngang nag-aabang dahil matapos ang kanyang pananahimik, eh magsasalita na siya live. Walang iba kundi si 'Jusa' Joy Barcoma," ani Kaloy Tingcungco.

"Jusa, oras na para magsalita ka na. Ano ba talaga 'yung totoo?" dagdag ni Sharia Diaz.

READ: Joy Barcoma, nanawagan sa responsableng pagtatapon ng basura

Pero nang magsalita na si Joy, biglang nawala ang audio niya na para bang na-mute siya live!

"... at nalaman niyo ang rason sa aking pananahimik. Mga Kapuso, nagbabalik po ako ngayong umaga!" sabi ni Jusa nang bumalik ang kanyang mic audio.

Dagdag pa niya, "May ibubulong ako sa inyong kasabihin for today. For today's bidyo, mga Kapuso, naniniwala po ako na ang tsismis ay parang kanin, mas masarap 'pag mainit-init!"

READ: Joy Barcoma steps away from Baus Rufo, Macoy Dubs' podcast

Maliban sa kanyang na-mute na pahayag, nagbahagi rin ng papremyo at good vibes ang UH host-mate sa isang palengke sa Parañaque City.

Bukod sa Unang Hirit, mapapanood din si Joy bilang isang fun at candid celebri-peep sa GMA Comedy original game show na The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.

Kilalanin pa ang Pambansang Jusa sa gallery na ito: