
Masayang ibinahagi ni Miss Philippines Earth 2025 at Pambansang Jusa Joy Barcoma ang kanyang blessed at matibay na relasyon sa kanyang eight-year partner.
Sa panayam sa kanya ng talent manager at showbiz vlogger na si Ogie Diaz, ikinuwento ni Joy ang magandang dynamics nila ng boyfriend bilang couple.
Ayon kay Joy, "very open" sila sa isa't isa, lalo na sa komunikasyon.
Nang tanungin ni Ogie kung wala bang selos na nangyayari sa kanilang relasyon, sagot ng beauty queen, "May selos. I feel like it's part of the relationship, pero not enough to break us. I feel like 'yun po 'yung starting point of conversation as to how we want to navigate the relationship.
"Kasi as you grow older, na-realize mo na hindi pala ganu'n ka-complex ang love. It doesn't have to be complex as long as may understanding. So, depende sa understanding n'yo as a couple kung paano kayo magkakaintindihan."
Dagdag pa ni Joy, open din siya sa kanyang partner na ikuwento ang mga nami-meet niyang tao sa kanyang trabaho.
"I feel like the best way to really have a good relationship with your partner is being open. Hindi po ako naglilihim sa kanya. Kapag may mga nagte-text sa akin na mga indecent proposals, may mga nag-aaya sa akin lumabas, ikinukuwento ko sa kanya. Alam mo po laging sinasabi niya, 'Go lang.' Basta ang role namin, establish na mayroon kang partner."
Ayon kay Joy, nirerespeto rin nila ang boundaries ng isa't isa.
"May boundaries naman po kami. Alam namin kung hanggang saan 'yung boundaries, but at the same time, we don't limit opportunities."
Ikinuwento rin niya ang sakripisyong ginawa ng partner niya para suportahan ang kanyang pagiging beauty queen. Ito rin ang nagtulak sa kanya para ituloy ang pagsali sa Miss Philippines Earth 2025.
Ani Joy, ang boyfriend niya ang kasalukuyang nagma-manage ng kanyang bookings at inquiries.
"Nung pagsali ko, nanalo na [ako]. Tapos noong nanalo na ako, kinailangan niyang mag-resign for me kasi nakatira ako sa Cavite. Ang office po namin sa Miss Philippines Earth sa may Mandaluyong, so back and forth—Cavite, Mandaluyong. Minsan may maiiwan ka, so siya ang nag-aasikaso no'n for me. Siya ang nagda-drive kapag gabi na natapos 'yung shoot. Sinacrifice n'ya for me 'yung trabaho niya."
Samantala, mas kilalanin ang viral "jusa" na si Joy Barcoma sa gallery na ito: