
Hindi pinalad si Miss Philippines Earth, Joy Barcoma, na mapabilang sa Top 4 sa katatapos lamang na Miss Earth competition noong Miyerkules sa ginanap sa Paranaque City.
Ipinagmalaki at itinayo pa rin ni Joy ang bandila ng Pilipinas kahit na nagtapos sa Top 8 ang kanyang journey sa pag-abot sa korona.
Sa kabilang banda, si Natalie Puskinova naman na mula sa Czech Republic ang kinoronahan bilang Miss Earth 2025 mula sa 87 kandidatang sumali sa competition na ito.
Source: GMA Network
Kinoronahan din kasama rin ni Puskinova ang mga 'Elemental Queens' na sina Soldis Ivarsdottir (Iceland) bilang Miss Earth Air 2025,Mu Anh Trinh (Vietnam) bilang Miss Earth Water 2025, at si Waree Ngamkham (Thailand) bilang Miss Earth Fire 2025.
Source: GMA Network
Bigo man makapasok sa Top 4, pinatunayan pa rin ni Joy ang kanyang husay, dedikasyon, at malasakit, matapos niyang humingi ng dasal para sa mga nasalanta ng Bagyong Tino bago siya tumungo sa Q&A portion ng competition.
Source: GMA Network
“I am just waiting for this moment to encourage everybody to offer prayers to the victims of the typhoon in Cebu. A lot of people have died. A lot of people have experienced the catastrophe of the typhoon and the flash floods brought to our countrymen,” sabi ni Joy.
"So I hope you take this time, as we celebrate taking care of Mother Earth, that we also think about and remember the lives of the people we lost because Filipinos deserve better lives, Filipinos deserve to be safe in their country," dagdag pa niya.
Source: GMA Network
Sa kanyang Top 8 finish, ipinamalas ni Joy Barcoma hindi lamang ang ganda ng Pilipina kundi pati na rin ang husay at paninindigan sa mga isyung pangkalikasan.