GMA Logo joy barcoma
Photo by style.ken.jev via joymayanne (IG)
What's Hot

Joy Barcoma, nilinaw na requested ang pangdo-'dogshow' niya bilang host sa mga pageant

By Aimee Anoc
Published May 14, 2026 1:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - SP Alan Peter Cayetano presscon (May 14, 2026) | GMA News
COMELEC registers 77 voters in Romblon jail
Pinagmamalaking kuhol dish ng Catanduanes, masarap kaya? | Pinas Sarap

Article Inside Page


Showbiz News

joy barcoma


Joy Barcoma: "Bayad po ako mang-dogshow."

Bukod sa pagiging beauty queen, kinarir na rin ng Miss Philippines Earth 2025 at Pambansang Jusa na si Joy Barcoma ang hosting.

Katunayan, nagba-viral ang kanyang pagho-host sa mga pageant dahil sa kuwela niyang pagtatanong at pakikipag-usap sa mga contestant.

Sa interview sa YouTube channel ni Ogie Diaz, na in-upload nitong Miyerkules, May 13, ikinuwento ni Joy na nagsimula siyang makilala noong lumaban para sa Miss Earth 2025.

"Dahil habang nagko-compete ako for Miss Earth, dino-dogshow ko 'yung mga candidates," kuwento niya.

"So mayroon akong nag-viral na video, nagpapaturo ako ng mga German words, ng mga words from different countries, tapos binibigyan ko ng kahulugan sa Pinas... Naka-live po 'yon.

"May mga fans na nag-edit and nag-compile ng mga ganu'n kong dog show moments with the candidates, tapos nag-viral siya. Doon nakita ng mga tao na, 'Ah, puwede palang funny ang beauty queen kasi akala namin 'pag beauty queen dapat seryoso, prim and proper.'"

Nang tanungin ni Ogie Diaz kung hindi ba siya nao-offend sa mga basher na sumisita sa pando-"dog show" niya sa mga pageant, natatawang sagot ni Joy, "Hindi naman po. Kasi hindi naman sila 'yung nagbabayad."

Ayon kay Joy, "formal" naman siyang mag-host noon sa mga pageant.

"Dati pa naman po ako nagho-host prior to Miss Philippines Earth. Na-highlight na lang po 'yung hosting ko dahil, siyempre, nagkaroon ng title, nagkaroon ng platform. Pero dati po talaga, formal akong mag-host," sabi niya.

Kaya naman nilinaw ng beauty queen na requested ng organizers ang pangdo-"dogshow" niya bilang host sa mga pageant.

"Nagkaroon lang po ng pagkakataon na makulit 'yung kandidata tapos nakipagharutan ako on stage, tapos nag-viral siya.

"So ever since, nire-request na ng mga LGUs, ng mga talent coordinators, directors, laruin mo 'yung pageant. Kasi parang they want daw a fresh take on pageantry, na hindi dapat laging seryoso. Kasi seryoso na 'yung mga advocacy, seryoso na 'yung mga goals nila. So dapat 'yung treatment natin sa pageant can be fun as well.

"Hindi ko naman po dinodog show unless i-request... Bayad po ako mang-dog show," dagdag niya.

Samantala, mas kilalanin ang viral "jusa" na si Joy Barcoma sa gallery na ito: