
Matapos na koronahang Miss Philippines Earth 2025 at mag-viral sa kanyang kuwelang pagho-host sa mga pageant, sunod-sunod na rin ang guestings at endorsements ng Pambansang Jusa na si Joy Barcoma.
Kasalukuyan siyang napapanood bilang host-mate sa morning show na Unang Hirit.
Noong Miyerkules (May 13), bumisita si Joy Barcoma sa YouTube channel ng seasoned entertainment writer na si Ogie Diaz at sinagot ang tanong kung nangangarap din ba siyang makapasok sa acting?
Kuwento ng beauty queen, noong bata siya ay ayaw niyang mag-artista.
"Funny thing, noong bata ako parang ayokong mag-artista. Gusto kong umiiyak-iyak sa salamin, practice lang kung maganda ako umiyak... Pero never in my wildest dreams na maiisip kong maging artista ako," sabi niya.
Ayon kay Joy, ang pinakapinangarap niya ay ang maging TV host dahil naging broadcast communications student siya.
"So nu'ng nabigyan po ako ng chance to be a host sa morning show, tuwang-tuwa talaga ako. Sabi ko, 'Yes, finally.'"
Hiling ngayon ni Joy na magtuloy-tuloy ang pagiging host niya sa Unang Hirit. Aniya, "Sana mapagbigyan. Kung deserve ko po, sana maibigay."
Samantala, mas kilalanin ang viral "jusa" na si Joy Barcoma sa gallery na ito: