
Isa sa mga pinakamainit na issue sa pagdating sa pageantry ay ang pagsali ng transwoman sa iba't ibang beauty contests, kabilang na ang Miss Universe. Pero para kay Miss Philippines Earth 2025 Joy Barcoma, tama lang ang naging desisyon ng Miss Universe Organization na payagan silang sumali sa naturang patimpalak.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, April 29, sinang-ayunan ni Joy ang desisyon ng organisasyon tungkol sa transwomen, at sinabing paraan din ito para i-celebrate ang femininity at womanhood.
“Because if you want to celebrate femininity and womanhood, we should not discredit as well the experiences and the transition that our transwomen community went through,” sabi ng beauty queen.
BALIKAN ANG ILAN SA MGA PINAKAKONTROBERSYAL NA KAGANAPAN SA PAGEANTRY NITONG 2025 SA GALLERY NA ITO:
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na isang beauty queen ang nagpahayag ng suporta ng pagsali ng transwomen sa pageantry. Noong 2018, nagpahayag si Miss Universe Catriona Gray na wala siyang problema na makalaban ang transwomen sa isang pageant.
Ngunit aminado ang beauty queen na marami pa rin hati ang opinyon tungkol dito.
“Personally, I have no problem with it, but I do understand why there is quite an uproar amongst all the fans and different people looking at the issue. Because it is a very young discussion about the LGBTQ and especially coming in to the arena of pageantry where it's traditional that is natural born women,” sabi ni Catriona.
Aprubado rin para sa Filipino-born American model na si Geena Rocero ang pagsali ng transwomen sa pageantry. Sa katunayan, ayon sa modelo, 2012 pa nang magsimulang tumanggap ang Miss Universe ng transwomen bilang mga kandidata sa naturang pageant.
“Some people might say that it started with Angela Ponce because she was the first candidate [to be introduced in the Miss Universe international stage]. But, it was actually Jenna Talackova of Miss Universe Canada who was the first one to speak up and share her truth about joining Miss Universe Canada as a trans woman. And she joined some other pageant; I think Miss International Queen,” sabi ni Geena.
Nanalo si Angela bilang Miss Universe Spain noong 2018, habang si Jenna naman ay nagtapos bilang top 12 sa Miss Universe Canada noong 2012.
Panoorin ang panayam kay Joy dito: