GMA Logo Joy Barcoma on Your Honor podcast
Source: Your Honor
What's on TV

Joy Barcoma, sinikap na maging magandang ehemplo para sa mga kapatid

By Aedrianne Acar
Published May 5, 2026 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: May 5, 2026
Kampo sa Mandaue City Mayor, Wala Masorpresa nga Patubagon sa Election Protest | Balitang Bisdak
6 Strategies to improve self-control

Article Inside Page


Showbiz News

Joy Barcoma on Your Honor podcast


'Pambansang jusa' Joy Barcoma, nagpakatino para hindi masayang ang mga sakripisyo ng kaniyang ina.

Hindi matatawaran ang paghanga ng Miss Earth Philippines winner na si Joy Barcoma para sa kaniyang nanay na certified madiskarte.

Sa pagsalang niya bilang resource person sa Your Honor nitong weekend, ibinahagi niya ang mga sakripisyo ng kaniyang Mama para maging good provider lalo na at hiwalay ito sa kaniyang asawa.

“Pero ang mama ko, very ano siya resourceful. So, may sarili siyang ganap.”

Sinabi ni Chariz Solomon na madiskarte ang kaniyang magulang.

“Sobra!” pagsang-ayon ni Joy. “Siya 'yung tipo ng nanay na kapag sinabi mo may kailangan kami bukas, kahit wala siyang pera. Bukas, meron ka. Ganun siyang nanay.

“At dati ang Mama ko nag-DH (domestic helper) siya sa ibang bansa. So, 'yung mga kapatid ko lumaki silang walang kasamang parents sa Antipolo, kasi nga hiwalay sila ng Papa ko. Ako lang kasama ng Papa ko sa QC, ang mga kapatid ko nasa Rizal.”

Dahil na rin galing siya sa isang broken family, sinigurado ni Joy Barcoma na maging mabuti siyang ehemplo sa mga kapatid para mainspire niya ang mga ito.

Nakapagtapos ang beauty queen ng kursong Bachelor of Arts in Broadcast Communication sa Polytechnic University of the Philippines noong 2018. At kahit nag-aaral pa noon ay kumakayod na si Joy para may extra pera siya sa pagiging extra sa telebisyon.

Pagbibida pa niya sa House of Honorables na walang naging bisyo ang mga ito at naging scholar pa.

“Kaya nga sabi ko very important talaga na maging responsible Ate ako, kasi ako 'yung susundan," lahad niya sa Your Honor.

“Kaya 'yung mga kapatid ko kahit wala silang magulang na kasama during that time sa Rizal, hindi sila napariwara. Walang nagbisyo, lahat naka-graduate, lahat naging scholar. Kasi, ako as an Ate sinet ko sa kanila dapat ganito tayong anak or magkakapatid.”

RELATED CONTENT: Meet the viral 'jusa' Joy Barcoma