Maiiwasan man ang amputation ay kinakailangan pa rin ni Joy na sumailalim sa bypass operation sa kanyang lower extremities upang bumuti ang daloy ng dugo hanggang sa kanyang mga paa. By CHERRY SUN
Puno ng pasasalamat si Joy Viado dahil hindi na raw kailangang putulin ang kanyang binti.
Maiiwasan man ang amputation ay kinakailangan pa rin ni Joy na sumailalim sa bypass operation sa kanyang lower extremities upang bumuti ang daloy ng dugo hanggang sa kanyang mga paa.
“’Mabait ka naman sa tao,’ sabi niya sa akin. ‘Alam ko kakayanin mo ‘yan. Pangalawang buhay, bibigyan kita’,” bahagi niya sa panayam ng 24 Oras.
Positibong positibo ang disposisyon ni Joy sa kabila ng kanyang iniindang sakit. Sa katanuyan ay excited na rin siyang magbalik-showbiz. Aniya, gusto niyang mag-guest host sa Wowowin.