
Epy Quizon on the late Joy Viado: “’Yung name niya talaga precedes her personality."
Saksi ang kanyang pamilya at mga dating katrabaho sa pagiging likas na masiyahin ni Joy Viado. Anila, ito raw ang isa nilang mami-miss ngayong namayapa na ang komedyante.
“’Yung name niya talaga precedes her personality. You know it’s always a fun set, a joyful set every time she’s around because even if the camera’s not rolling, nagpapatawa siya,” pahayag ni Epy Quizon sa panayam ng 24 Oras.
Hindi lamang daw sa trabaho nagdadala ng kasiyahan si Joy dahil hanggang bahay raw ay komedyante ito ayon sa kanyang anak na si JC. Sa katunayan, nanatili ang pagkamasayahin ni Joy kahit may sakit na raw ito.
Bahagi niya, “Kakulitan niya, number one. Siyempre ‘yung laging nagpapasaya, nagpapatawa sa amin. Natural na lang ‘yung pagiging komedyante kaya talagang ‘yun din mami-miss naming lahat sa kanya.”
Nagpaabot din ng pasasalamat si JC sa mga nakasama ng kanyang ina sa showbiz na hindi nakalimot at hindi naging maramot sa pagpapakita ng pagmamahal ngayong yumao na si Joy.
“’Yun din ‘yung nagiging reason din kaya kami nagiging strong dahil of course, siguro nga nawala siya pero deep in our hearts, lagi lang siya nandiyan,” patuloy niya.
Nakatakda ang cremation ni Joy sa Arlington Crematorium sa Biyernes, September 16.
Video courtesy of GMA News
MORE ON JOY VIADO:
READ: Veteran comedienne Joy Viado dies at 57
READ: Arnell Ignacio at Joy Viado: Ang naunang biritero't biritera