
Naghatid ng good vibes ang TikTok star na si Joyang, o Joyce Glorioso, nang ibahagi ang kanyang behind the scenes video sa set ng family drama series na Hating Kapatid.
Sa naturang serye, gumaganap ang social media star bilang Chuchi, ang isa sa crew members ng Jacinta's Flower Cafe.
Sa Instagram, in-upload ni Joyang ang kanyang reaksyon behind the scenes habang nagaganap ang eksena sa pagitan nina Cassy Legaspi at Cheska Fausto, na bumibida bilang sina Belle at Tally.
Makikita sa video na tila ramdam na ramdam ni Chuchi ang matinding eksena nina Belle at Tally, kung saan ay napaupo pa ito sa sahig at saka pabirong tumayo.
Sa comments section, natawa naman sina Cassy at Cheska sa behind the scenes video ni Joyang.
Bukod sa Hating Kapatid, napanood na rin si Joyang sa iba pang Kapuso shows gaya ng Lolong at Wish Ko Lang.
Patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Related content: Meet 'Banana Queen' Joyang TV