
Congratulations, Kristoffer!
Umani ng parangal si Kapuso actor Kristoffer Martin sa katatapos na PMPC Star Awards for Television.
Nakuha niya ang Best Single Performace by an Actor para sa kanyang pagganap sa sa Magpakailanman episode na 'Mag-Ama sa Bilangguan.'
"Maraming maraming maraming salamat po sa parangal na to. This will serve as an inspiration for me to always improve my craft. Thank you GMA, GMA Artist Center and to the production of Magpakailanman. Thank you also to my supporters and sa ever supportive kong parents. Para po sa inyong lahat to. Salamat Panginoon," pasasalamat ni Kristoffer.
Masaya din para sa kanya ang kanyang ex-girlfriend na si Joyce Ching. Ipinadaan ni Joyce ang kanyang pagbati sa kanyang Instagram account.
"With PMPC's best actor in a single performance! Congratulations sa aking magiting na ex! Comment kayo, tulungan niyo ko i-convince siya na ilibre," sulat ni Joyce sa kanyang caption.
Malapit nang mapanood ang balik-tambalan ng dalawa sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat. Abangan ito sa October 31, pagkatapos ng Oh, My Mama!
MORE ON KRISJOY:
WATCH: Kristoffer Martin and Joyce Ching's daring scenes for upcoming GMA show 'Hahamakin Ang Lahat'
Kristoffer Martin at Joyce Ching, #ExGoals