What's Hot

Joyce Ching, bumait sa 'Because of You' dahil kay Kristoffer Martin?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 12, 2020 5:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Paano binago ni Onat (Kristoffer Martin) si Cheska (Joyce Ching)?


 

A photo posted by Joyce Ching (@joeysching) on

Tila bumait daw si Cheska, ang role na ginagampanan ni Joyce Ching sa Because of You, sa pagpasok ng character ni Kristoffer Martin na si Onat.

"Masaya kasi, dahil sa kanya, bumabait ang character ko. Parang hindi na ako masyadong galit na galit. Nagkaroon ng way si Cheska para maging light. Hindi na siya high blood palagi," kuwento ni Joyce in an exclusive interview with GMANetwork.com.

Ano ang naging reaction niya nang malamang magiging bahagi na ng teleserye ang kanyang ex-boyfriend?

"Nakakatuwa na nakakatawa, kasi noong sinasabi pa lang nila sa akin na papasok si Kristoffer, sina Direk Mark, Direk Dennis, sobrang excited nila."

Parang mas excited pa raw ang mga kasama niya kaysa kanya.

"Sobrang excited nila as in, 'Alam mo na ba? Alam mo na ba ang mangyayari?' Parang ganun. Kaya na-excite na rin ako kasi lahat ng tao excited."

Huling nagkasama sina Joyce at Kristoffer sa GMA Afternoon Prime series na Healing Hearts.

MORE ON JOYCE CHING:

#FriendshipGoals: Girls ng 'Tween Hearts,' nag-get together

LOOK: 'Tween Hearts' cast reunited!