Article Inside Page
Showbiz News
Nabuo ang pagkakaibigan nina Joyce Ching at Barbie Forteza nang magkatrabaho sila sa 'Reel Love Presents: Tween Hearts'. Mula noon, maraming proyekto pa ang kanilang pinagsamahan kaya’t lalong naging close ang dalawa.
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Nabuo ang pagkakaibigan nina Joyce Ching at Barbie Forteza nang magkatrabaho sila sa
Reel Love Presents: Tween Hearts. Mula noon, maraming proyekto pa ang kanilang pinagsamahan kaya’t lalong naging close ang dalawa.
Ilan sa mga ito ang
Ikaw Lang Ang Mamahalin, Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa at ang huling show na pinagsamahan ng dalawa na
Anna KarenNina.
Mag-iisang taon na mula nang matapos ang
Anna KarenNina kaya ayon kay Joyce, miss na miss niya na raw si Barbie. Kuwento pa niya, lalo siyang nalungkot nang malaman niyang makakasama niya ang ilang Tweens sa kanyang next project na wala si Barbie.
Nang ma-interview ng GMANetwork.com si Barbie bago ang kanyang birthday last month, sinabi ng aktres na
wish niya raw na magkaroon ng Tween Hearts Season 2.
Natupad na yata ang hiling ni Barbie dahil sa muling pagkakataon ay magsasama ang Tweens na sina Bea Binene, Jake Vargas, Kim Rodriguez at Joyce sa isang Telebabad soap. ‘Yun nga lang, ang mismong nag-wish ay hindi kabilang sa cast dahil busy pa siya sa
The Half Sisters.
“Actually wish po talaga naming lahat [na magkaroon ulit ng
Tween Hearts],” pahayag ni Joyce
Dagdag niya, “Pero 'yon, nakakalungkot kasi wala si Barbie bilang best friends kami. Mas masaya sana kung narito siya or kung lahat talaga ng Tweens from
Tween Hearts [ay] magkakasama. Mas okay sana, mas enjoy.”