Article Inside Page
Showbiz News
Tween actress Joyce Ching is overjoyed because projects for her just keep on coming! During the presscon for her new show
Koreana, Joyce was excited.
Tween actress Joyce Ching is overjoyed because projects for her just keep on coming! Kaya naman during the presscon for her new show Koreana, Joyce was excited to share stories about working on the show. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Mitch S. Mauricio.

Tween star Joyce Ching got her biggest break sa top-rating primetime television adaptation ng
Endless Love where she played the young Shirley. Matapos nito ay sunud-sunod na ang projects na nakuha ni Joyce sa Kapuso Network. She is part of two regular shows -
Ang Yaman Ni Lola under public affairs at
Reel Love presents Tween Hearts naman kasama ang iba pang tweens. Nadagdagan pa ito ng isang bagong show kamakailan lamang when GMA launched
Koreana.
“Sobrang saya!” sagot ni Joyce nang amin siyang kumustahin during the
Koreana press launch, “Nagugulat ako sa mga nangyayari! Tuluy-tuloy talaga iyong project ng GMA [para sa akin] kaya sobrang thankful ako sa kanila.”
Kuwento pa ni Joyce during the press launch na kinakabahan siya dahil baka ma-out of place siya dahil hindi na nga niya ka-edad ang mga kasama niya sa show. “Actually bago ako pumunta dito namomroblema ako na, ‘Shocks, baka ma-O.P. ako!’” natatawang sagot ng dalaga, “Kasi matatanda sila, hindi gaya sa mga past projects ko may kasama akong tweens. Medyo nangangapa, pero mabait naman po silang lahat.”
May mga preparations ring ginawa si Joyce for the show. Sa
Koreana ay gagampanan niya ang Korean younger sister ni Steven Silva, ngunit in real life ay half-Chinese naman talaga si Joyce.
“Sa looks [ako naghanda]. Nag-workshop rin po kami for this, tas parang medyo inaaral ko nang maging adik sa K-Pop,” she says, “Kasi hindi ako addict sa K-Pop. Dito addict ako, kaya kailangan todo tili. Chinese po [talaga ako]. Doon po ako kinakabahan kasi nagpupumilit akong maging Korean dito kasi may crush akong leader ng Korean band. Iniisip ko baka iyong mga lines ko Korean.”
Ano naman kaya ang reaksyon ng mga kabarkada niyang tween stars sa bago niyang project?
“Nang-aasar sila, ‘Naks, mayaman na. May project na naman! Big star!’” kuwento niya.
Dahil nga sa tatlong regular shows na kinabibilingan ng dalaga, hindi na niya napigilang imbitahin ang kanyang mga supporters to keep tuning in to her shows. “Suportahan nyo lang po ako ng suportahan,” pagtatapos niya, “Patuloy lang po kayong manood ng
Tween Hearts, ng
Yaman ni Lola, at saka itong
Koreana.”
Pag-usapan si Joyce sa mas pinagandang
iGMA Forum! Not yet a member? Register here.