What's Hot

Joyce Ching, napagbintangang magnanakaw?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 8:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wage hike OK'd for Northern Mindanao minimum wage earners, kasambahays
Woman run over by bus in Davao City; dies
Marian Rivera welcomes the new year in luxurious designer jewelry

Article Inside Page


Showbiz News



Nagpaliwanag si Joyce Ching sa interbiyu ng GMANetwork.com
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Sa ginanap na press conference ng bagong GMA Telebabad show na Strawberry Lane, ikinuwento sa amin ni Kapuso teen star Joyce Ching na malayo sa katotohanan ang ibinibintang sa kanya – ang pagiging magnananakaw.
 
Ang tinutukoy ni Joyce ay ang role niyang si Dorina sa Strawberry Lane. Ayon sa aktres, mabuti raw ang loob ni Dorina kaya’t hinding-hindi niya magagawa ang ibinibintang sa kanya.
 
“Napagbintangan ako ng tita ko na nagnakaw. Akala niya [ay] kinuha ko 'yung mga alahas niya at 'yung mga pera niya kaya po napunta ako sa [detention] center,” pagpapakilala ni Joyce sa role.
 
Dagdag pa niya, “Hindi po talaga [kami masasamang bata]. Napagbintangan lang kami. Except for Jack [Kim Rodriguez] kasi parang siya lang 'yung umaamin na may ginawa talaga siyang kasalanan.”
 
Kuwento ni Joyce, naninibago raw siya sa kanyang character ngayon. Nasanay daw kasi siyang magmaldita sa kanyang previous shows tulad ng Anna KarenNina, Dormitoryo, at Paraiso Ko’y Ikaw.
 
“Nakakapanibago po pero nakaka-excite rin. After ng sobrang daming kontrabida roles na ginawa ko na lagi akong nang-aagaw, ngayon naman [ay] very sweet, innocent, very mabait lang talaga 'yung character ko na parang walang pakialam sa mundo,” ani Joyce.
 
Masaya rin daw si Joyce dahil binibigyan siya ng pagkakataon ng GMA na patunayan na isa siyang versatile actress. “Nakakatuwa rin na nabibigyan ako ng character na kontrabida at mabait,” saad ng Strawberry Lane star.
 
Patuloy na subaybayan si Joyce Ching sa Strawberry Lane, weeknights after 24 Oras on GMA Telebabad.