What's on TV

Joyce Ching, napasabak sa maritime training para sa 'One of the Baes'?

By Bianca Geli
Published September 17, 2019 6:51 PM PHT
Updated September 18, 2019 10:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Joyce Ching close up photo


Todo training na raw si Joyce Ching at kanyang co-actors para sa upcoming GMA Telebabad series na 'One of the Baes.'

Todo na sa training ang ilan sa cast ng upcoming GMA Telebabad series na One of the Baes.

Kabilang na rito si Joyce Ching, na gaganap bilang si Xtina at isa sa mga magpapahirap sa buhay estudyante ni Jowa (Rita Daniela).

Kuwento ni Joyce, puspusan na sila ng kanyang co-actors sa training.

Aniya, “Medyo nangingitim na ako konting-konti lang, masaya.

[“Masaya kasi nakikita namin at nakakausap namin 'yung mga students from MAAP [Maritime Academy of Asia and the Pacific].

“Yung mga pinagdaanan nilang training, binibigyan nila kami ng sample.

“Kahapon, tinuruan nila kaming mag-assemble at mag-disassemble ng rifles kasi may ganoon kaming mga eksena.”

Abangan si Joyce Ching bilang Xtina sa One of the Baes, ngayong September na sa GMA Telebabad.

Rita Daniela, Joyce Ching, and Jelai Andres in uniform for 'One of the Baes'