
Excited na si Joyce Ching sa paghahanda para sa wedding nila ng ng fiancé niyang si Kevin Alimon.
Ipinakita ni Joyce sa kanyang YouTube channel ang gown fitting and sketching niya kasama ang designer na si Elizabeth Hallie.
“Super excited na ako!” sabi ng Joyce sa kanyang vlog.
Dagdag ng Dragon Lady actress, “Tapos na mag-fitting at mag-sketch, sobrang saya pero nahihiya ako.”
Matapos ang pagtingin sa iba't ibang creations ni Hallie, nagbigay ng sariling idea si Joyce para sa sarili mula sa Hallie's collection.
Nagsukat din si Joyce ng iba't ibang sample gowns.
Aniya, “Ipapakita ko mamaya 'yung measurement, 'tapos i-compare natin kapag nag-fitting na kami sa August.”
Panoorin ang gown-fitting at wedding planning ni Joyce Ching:
WATCH: Joyce Ching shows her "no makeup" makeup look