
Hindi matatawaran ang saya na nararamdaman ng OPM hitmaker na si Juan Karlos matapos makatanggap ng liham mula sa isang fan.
Sa post nito sa X noong January 29, ipinakita niya ang isang mensahe na sinulat ng isang cabin crew sa isang tissue paper.
Sabi ng fan kay Juan Karlos, “Napaka-solid mo, JK! Isa kang malupit na artist… hindi lang basta celebrity, pero tunay kang alagad ng sining. Kaya sana, 'wag kang mapagod sa paglikha!
“Para sa bayan, sining at pag-ibig!”
🥺❤️ pic.twitter.com/LhBwkfHEF0
-- juan karlos labajo (@karloslabajo__) January 29, 2024
May mahigit 8,600 likes na ang naturang post ng OPM singer.
Noong 2023, kinilala si Juan Karlos bilang kauna-unahang Pinoy na nag-debut sa Top 100 of the global Spotify chart para sa kanta niyang “Ere.”
Bukod dito, ilan pa sa hit songs niya ang “Shot Puno” at “Buwan.”
Ginawan pa ng award-winning comedian na si Michael V. ng parody version ang kantang "Buwan" na may titulo na “Naman” na napanood sa Bubble Gang noong June 2019.
RELATED CONTENT: OTHER PARODY HITS OF MICHAEL V.