GMA Logo Juancho Trivino and Joyce Pring
Courtesy: joycepring (IG)
What's Hot

Juancho Trivino and Joyce Pring share their travel experiences with kids

By EJ Chua
Published December 23, 2024 10:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Juancho Trivino and Joyce Pring


Ipinasilip nina Juancho Trivino at Joyce Pring ang kanilang travel moments kasama sina Eliam at Eleanor.

Isa sa mga parehas na nakahiligang gawin nina Juancho Trivino at Joyce Pring ay ang pagta-travel Kaya naman ngayong sila ay family of four na, kasa-kasama na rin nina Juancho at Joyce sa pamamasyal ang kanilang mga anak na sina Alonso Eliam at Agnes Eleanor.

Sa pagbisita ng celebrity couple sa Unang Hirit nitong Lunes, December 23, ibinahagi nila ang ilang experience nila sa kanilang recent family trips abroad.

Ayon kay Joyce, bonding na talaga nila ang pamamasyal. “Iyon ang gawain naming talaga [travel] lalo na because our kids, sila 'yung mga first na apo sa side ni Juancho. So talagang kailangang ipasyal sa buong family.”

Biro naman ni Juancho, “Nakasapatos ako ngayon eh, pero may nunal ako sa paa. Layas talaga…”

“Nakapag-Singapore kami, nakapag-Australia rin kami,” dagdag ni Joyce.

Kasunod nito, inamin ni Juancho at Joyce na hindi naging madali para sa kanila ang pagta-travel lalo na't bata pa ang kanilang mga anak. "Hindi siya relaxing, it's not like a vacation. It was parenting in a more scenic background,” pahayag ni Joyce.

Isang tip naman ang ibinahagi ni Juancho para sa viewers at mga Kapuso na may plano ring isama ang kanilang little ones sa pamamasyal. Sabi niya, “Pero may ano, may training siya. If you do 'yung long flights kailangan nasanay sila sa mga short ones. 'Yun para hindi sila ma-overwhelm.”

Sa official social media accounts ng couple, makikita ang kanilang inspiring at beautiful family photos.

Samantala, sina Juancho at Joyce ay ikinasal noong February 2020.