Celebrity Life

Juancho Trivino at Joyce Pring, inspirasyon ang mga anak sa kanilang fitness goal

By Kristine Kang
Published January 20, 2025 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Juancho Trivino at Joyce Pring


Juancho Trivino sa kanilang fitness journey: 'We need to have energy for our kids'

Kilala na ang Kapuso stars na sina Juancho Trivino at Joyce Pring bilang isa sa mga celebrity couple na magkasama at committed sa kanilang fitness routines.

Nag-umpisa ang kanilang healthy journey noong nakaraang taon, kung saan madalas silang sumasali sa marathons, runs, at tuklasin ang mga bagay na diets para manatiling malusog.

Sa kanilang panayam kasama ang GMA Integrated News, ibinahagi ng Kapuso couple na disiplina at consistency ang susi sa kanilang fitness goals.

"We sometimes wake up two in the morning to make our runs para bago magising 'yung mga bata, nandyan na kami. But of course, we're very blessed kasi we have a family talaga that supports [us]," masayang sinabi ni Joyce.

"Discipline, planning, we have to be smart with it also," dagdag ni Juancho.

Epektibo raw na magkasama sila sa kanilang fitness journey dahil labis ang kanilang motivation sa tuwing sinusuportahan nila ang isa't isa. Pero syempre, ang pinaka inspirasyon daw ng dalawa ay ang kanilang mga anak na sina Alonso Eliam at Agnes Eleanor.

"We need to have energy for our kids. Lalo na tumatanda tayo, 'di ba? Ang goal ko talaga makalaro ng basketball 'yung anak ko and 10 to 15 years down the road. As more decisions that we're making, we make a big impact later," paliwanag ni Juancho.

"Ano ba 'yung rason mo talaga for getting healthy, of course maganda 'yung gusto maging fit, gusto mo maging aesthetic. But at the end of the day, minsan hindi iyon 'yung nagpapabangon sa'yo ng two in the morning, 'di ba? It's really knowing that you doing it for your loved ones, you're doing it for your family," pahayag ni Joyce.

Maliban sa kanilang matagumpay na fitness journey, nagpapasalamat din ang dalawa sa kanilang mga biyaya ngayong 2025. Isa sa kanilang mga layunin ngayong taon ay makalipat na sila sa kanilang bagong bahay.

"There's a lot of blessing that we're experiencing and then syempre we only have God to thank for that. Healthy balance of work, healthy balance of our spiritual life, our family life, and syempre 'yung exercises namin. Iyon 'yung priority namin," ani Juancho.

Patuloy na mapapanood ang kanilang fitness journey sa kanilang social media accounts. Bilang hands-on parents, madalas din nilang ipinapasilip ang kanilang mga bonding moments kasama ang kanilang mga anak.

Silipin ang iba pang celebrity couple na committed sa kanilang fitness routines: