
“Today I am announcing my retirement…”
Ganiyan sinimulan ni Widows' War actor Juancho Trivino ang funny skit nila ng asawa niyang si Joyce Pring sa kanilang TikTok account kamakailan.
Paliwanag ni Juancho sa kaniyang desisyon sa pag-retire sa mobile game, “It has been a good couple of years but right now, I need to be a good father, to spend time with my wife, quality time with my wife.”
“I'm so sad. No, I'm not sad. I'm happy,” pagpapatuloy ng aktor.
@juanchotrivino Special Announcement: I would like to announce my retirement… also, no hangers were harmed during the filming of this video this is purely for entertainment only! #TheTrivinos #reels #fyp #trending ♬ original sound - Juancho Triviño
Ngunit tila napipilitan lang si Juancho dahil spotted sa salamin ang asawa niyang si Joyce na kumukuha ng video habang may hawak na hanger.
Nang tanungin ni Juancho kung okay na ba ang mga nasabi niya, sinabi ni Joyce na ipagpatuloy pa niya ang pagsasalita. Ngunit nang nanatiling tahimik ang aktor, sabi ng kaniyang wifey, “Ba't parang ayaw mo talaga?”
BALIKAN ANG ILANG FEMALE CELEBRITIES NA MOBILE GAMERS RIN SA GALLERY NA ITO:
Aliw na aliw naman ang ang ilang netizens sa skit ng celebrity couple. Biro pa ng iba ay nakahanap na ng katapat si Padre Salvi, ang kontrabida role ni Juancho sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Source: juanchotrivino/TikTok
Ang ilan naman, tinanong pa ang aktor kung okay lang ba siya, lalo na at may naka-ambang hanger sa kaniya si Joyce. Ngunit pagtitiyak ni Juancho, “Ok lang me.”
Kinasal sina Juancho at Joyce noong February 2020, at nabiyayaan ng dalawang anak. Ang panganay nilang si Eliam noong July 2021, at ang kanilang ikalawang anak na si Agnes nitong April 2023.