
Maganda ang naging progreso ng pagpapatayo ng bagong bahay ng celebrity couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring.
Masipag magbigay ng updates sa kanilang dream home ang mag-asawa.
Noong nakaraang Mayo, ipinakita ni Juancho na nagkakaroon na ng porma ang bahay. Kahit puro semento pa lang, makikita na rito ang iba't ibang mga kwarto ng kanilang tahanan.
Sinundan ito ng post ni Joyce noong June kung saan ibinahagi niyang nasa "final stages" na ang pagpapatayo ng bahay at malapit na nilang simulan ang interior design nito.
Idinetalye niyang nailagay na ang bubong, na-waterproof, at na-install na rin ang mga linya para sa aircon at maging ang mga binatana nito.
Umaasa rin daw siya na sa bagong bahay na sila magdiriwang ng Pasko, lalo na at September ang simula ng Christmas season sa Pilipinas.
Tila nag-dilang anghel si Joyce dahil ayon sa pinakabagong post ni Juancho tungkol sa bahay, malapit na silang lumipat dito.
"House update: ✅
"Me update: 🥺 Hindi na mapakali, malapit na kami lumipat!" pabiro niyang sulat sa caption.
Kalakip nito ang isang maikling video kung saan makikita ang aktor na kunwaring nagiging emosyonal habang nasa harap ng ipinapatayong bahay.
Ikinasal sina Juancho at Joyce noong 2020 at nabiyayaan ng dalawang anak.
Photo: joycepring (Instagram)
Ang panganay nilang si Alonso Eliam ay ipinanganak noong 2021, habang ang bunso namang si Agnes Eleanor ay isinilang noong 2023.
Makakasama rin nila sa paglipat sa bago nilang bahay ang fur babies nilang si Bowie na isang Shiba Inu, at si Basie na isa namang Samoyed.
SILIPIN ANG KANILANG HAPPY FAMILY LIFE DITO: