
Tunay na isang gentleman si Juancho Trivino dahil kahit nililigawan na niya noon ang asawa na niya ngayon na si Joyce Pring ay nagpaalam pa rin siya kung puwede ba niyang mahalikan ito.
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, September 4, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Juancho kung totoo bang nagpaalam ito bago halikan si Joyce.
“Yeah, I asked for permission. And even before that, 'yung first time that I said I love you, sinabi ko sa kanya and then I fell asleep kasi nasa movie house kami,” sabi ni Juancho.
Pagbabahagi ni Joyce, sobrang nagulat siya noon nang mag-I love you si Juancho kaya hindi siya nakasagot.
“Kasi parang two weeks pa lang kami magkakilala, ta's parang 'Bakit nag-a-I love you sa'kin 'to?'” sabi ni Joyce.
Samantala, tanong naman ni Boy kay Juancho ay kung 'yung pagpapaalam ba niya kay Joyce ay isang bagay na ginagawa rin niya sa kanyang ex-girlfriends noon.
Ang sagot ng aktor, “Feeling ko it came with maturity also and what I intended in the relationship na parang gusto ko talaga siyang alagaan, i-pursue the right way. I mean hindi ko naman siya inisip during that time, I just did and siguro 'yun 'yung iniisip ko nu'n.”
Nang tanungin naman ng batikang host si Joyce kung bakit sa cheeks lang siya nagpahalik, ang sabi ng TV host, “Pa-hard to get tayo, Tito Boy, gusto mo 'yun. Kailangan parang work for it muna 'di ba?”
“Hindi naman puwedeng ang tagal kong binigay 'yung number tapos bigalng nu'ng kiss na, agad-agad,” pagpapatuloy ni Joyce.
TINGNAN ANG ILAN SA MGA HEARTWARMING PHOTOS NG PAMILYA NINA JUANCHO AT JOYCE SA GALLERY NA ITO:
Ayon naman kay Juancho, normal na panliligaw lang ang ginawa niya, bagay na pinapahalagahan nila noong mga panahon na 'yun.
“'Yung panliligaw 101 na ginawa natin when I was courting her, and I really value that, I take it to heart, you really have to pursue a woman's heart,” sabi ni Juancho.
Panoorin ang panayam kina Juancho at Joyce dito: