
Unang beses na magtatambal sina Louise delos Reyes at Juancho Trivino sa upcoming teleserye na Magkaibang Mundo pero nakikitaan na sila ng chemistry.
Unang beses na magtatambal sina Louise delos Reyes at Juancho Trivino sa upcoming teleserye na Magkaibang Mundo pero nakikitaan na sila ng chemistry.
READ: Juancho Trivino on first lead role in a soap: "Parang panaginip"
"Actually it's so funny kasi andami ko nang nakapareha, kung sino pa 'yung halos kasing edad ko, which is siya (Juancho Trivino), hindi ko pa siya nakakatrabaho. Magkakaibigan kami, pero parang hindi ko naisip na puwede pala kaming mag-partner (laughs)," pahayag ni Louise nang hingan sila ng reaction.
Dagdag pa niya, "Napapalibot kasi sa akin tweens, 'yun 'yung alam ko kasi. Ikaw (Juancho) naman Teen Gen."
Napasama si Juancho sa dating teen-oriented show na Teen Gen, kung saan gumanap siya bilang si Lucho, ang anak ni Bobby Andrews. Dito niya nakatrabaho sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino na kapapanalo pa lamang sa Protege Season 2.
Ayon naman kay Juancho, naisip na niya dati na puwede niyang maging ka-love team si Louise.
"Ako siyempre, nang pumasok ako sa industriya, tinitingnan ko rin siyempre 'yung mga posible kong maka-partner, at isa na si Louise doon. Sa chemistry part, siguro dahil matagal na kaming magkakilala and comfortable na kami sa isa't isa."
Maaalalang minsang naging 'more than friends' ang status ng dalawa. Bakit kaya ito hindi natuloy?
"Siyempre kailangan namin mag-focus sa trabaho namin. Hindi naman distraction 'yun, pero sometimes God makes us stop for a reason, and things always happen for a reason," pag-amin ng young actor.
MORE ON JUANCHO TRIVINO:
Juancho Trivino reacts to the issue that he's being neglected by GMA
Juancho Trivino, enjoy sa pagiging segment host ng 'Unang Hirit'!