
Natapos man ang kanyang Afternoon Prime series na 'Magkaibang Mundo,' hindi tumitigil sa pagtatrabaho ang aktor na si Juancho Trivino.
Natapos man ang kanyang Afternoon Prime series na Magkaibang Mundo, hindi tumitigil sa pagtatrabaho ang aktor na si Juancho Trivino. Kasama siya sa pelikulang Mang Kepweng Returns na pagbibidahan ni Vhong Navarro, at isang official entry din sa 2016 Metro Manila Film Festival.
LOOK: Pantasya ng Bayan Kim Domingo shoots film with Vhong Navarro
"Si Kepweng [Vhong Navarro], mayroon siyang barkada. So apat kami doon, si Kuya Alex [Callejo], Kuya Jobert [Austria], ako, and si Kuya Vhong. Ako 'yung parang baguhan na parang tatanga-tanga na guwapo na palagi na lang sinasalang. Ginagawa nila akong pain sa lahat ng bagay," kuwento ni Juancho in an exclusive interview with GMANetwork.com.
Dagdag pa niya, "Masaya, at malayo sa drama. It's way lighter and galing naman ako sa comedy so hindi naman ako nanibago doon."
Ayon pa sa aktor, muli niyang makakapareha dito ang kanyang Magkaibang Mundo love team partner na si Louise delos Reyes. Kasama rin sa pelikulang ito sina Jaclyn Jose, Jackie Rice at Valeen Montenegro.
MORE ON JUANCHO TRIVINO:
WATCH: Juancho Trivino, sings 'Magkaibang Mundo' theme song?
EXCLUSIVE: "It has been an adventure for me" - Juancho Trivino on playing Elfino