
Marami man ang galit kay Padre Salvi na karakter sa Maria Clara at Ibarra, nakakaaliw naman ang mga batang nag-costume bilang ang malupit na kura para sa nagdaang Halloween.
Kinolekta ni Juancho Trivino, ang gumanap bilang Padre Salvi sa serye, ang mga litrato ng mga batang nagbihis bilang karakter niya gamit ang mga bagay na hindi naman talaga ginagamit para sa costume.
Tulad na lamang ng litrato ng bata sa huling slide kung saan gumamit siya ng nipple tape para magmukhang kalbo, tulad ng sa karakter.
May mensahe rin naman si Juancho sa mga magulang na nagbihis ng kanilang mga anak para maging kamukha ng karakter niya.
“It's an honor maging costume ng mga anak ninyo, ako'y kinikilig,” aniya.
Marami rin namang natuwa na netizens at nag-comment kung gaano ka cute ang mga bata.
Bukod pa roon, nagpahayag din sila ng paghanga sa aktor sa kung paano niya ginampanan ang karakter.
“To be honest po, you portrayed well the character of Padre Salvi, Kuya Juancho,” sabi ng isang netizen.
“Kahit nakakainis ka pero ang galing,” sabi naman ng isa pa.
Kahit sa Twitter, may fans ang nagpahayag din ng paghanga sa pagganap ni Juancho sa kanyang karakter.
Ito man ang pinakaunang pagganap ni Juancho bilang kontrabida, marami pa rin ang humanga sa galing niya sa pagganap sa kanyang karakter. Sa isang nakaraang post sa Twitter, inamin din niyang na-enjoy niya ang pagiging kontrabida sa serye.
“I am very much enjoying portraying [Padre Salvi] so much, probably most fun I've had ever,” saad niya.
Hiniling din niya na sana ay ma-enjoy ng mga manonood ang serye dahil mas marami pang magagandang eksena ang dapat abangan.
Ang Maria Clara at Ibarra ay tungkol kay Klay (Barbie Forteza) na napadpad sa kuwento ng 'Noli Me Tangere.' Dito, nakilala niya sina Maria Clara (Julie Ann San Jose), Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo), at iba pang mga karakter ng nobela.
KILALANIN ANG MGA TAUHAN NG MARIA CLARA AT IBARRA SA GALLERY NA ITO: