
Pinuri ng Sparkle actor na si Juancho Trivino ang husay ni John Clifford sa kanilang mga eksena sa episode 13 ng MAKA Season 2 na napanood noong Sabado, May 3.
Sa episode 13, nakilala si Juancho bilang Rex, pinsan ni JC (John Clifford) na nalulong sa sugal kaya naman nagawang pagnakawan ang kaniyang tiyahin at maging ang MAKA barkada na sina Livvy (Olive May) at Bryce (Bryce Eusebio).
Isa sa mabibigat na eksena nina Juancho at John Clifford ay nang magkapisikalan at sabihin na ni JC sa kaniyang mga magulang ang ginagawang pagsusugal at panloloko ni Rex.
"Actually, I was surprised with what JC gave. Impressed din ako sa kung anong nabigay niya. Tumatakbo sa isip ko nu'ng panahon na ginagawa namin 'yung eksena, sana ganoon ako kagaling nu'ng ganu'n ako kabata," sabi ni Juancho kay John Clifford sa interview sa "MAKA Secret Garden."
"I see a lot of potential in him. Sana tuloy-tuloy lang 'yung pag-usbong ng career niya. 'Yung ginawa naming scene was very intense and I'm very happy na natapos siya nang suwabe," dagdag niya.
Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
Panoorin ang full episode 13 ng MAKA Season 2 sa video na ito: