
Malaki umano ang naging papel ng aktor at TV host na si Juancho Trivino para magkakilalang muli at magkatuluyan ang engaged couple na sina Thea Tolentino at Martin Joshua.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, December 7, ibinahagi ni Thea na 2014 pa lang ay magkakilala na sila ni Martin. Ngunit noong mga panahon na iyon ay may kanya-kanya pa silang mga karelasyon.
Noong 2020, nag-double date sila kasama sina Juancho at ng asawa na nito ngayon na si Joyce Pring, at doon umano nagsimula na magkagusto sila sa isa't isa.
Ngunit pag-amin ni Thea, “Naudlot pa siya ng one year, and then kasi parang feeling ko nung time na 'yun, hindi pa ako ready na pumasok sa isang relationship, mag-commit.”
Noong napansin ni Juancho na ni-like ni Martin ang vaccine photo ni Thea sa social media, kinulit niya ang aktres na mag-message na dito.
Ngunit sabi noon ni Thea, “Ayoko, ayoko, baka mamaya kasi hindi ako mag-commit, ako 'yung mapapahiya.' Sabi niya, 'Sige, wait lang.'”
“Maya-maya, nag-message ulit si Juancho, 'Okay. expect a text later.' And then nung midnight nung araw na 'yun, nag-message ulit si Martin,” pagpapatuloy ng aktres.
Pagbibiruan tuloy nila ni King of Talk Boy Abunda, hindi maaaring mawala si Juancho sa entourage ng kasal nina Thea at Martin dahil sa naging papel nito sa kanilang relasyon.
BALIKAN ANG COZY TOKYO DATE NINA THEA AT MARTIN SA GALLERY NA ITO:
Matatandaang noong Nobyembre ay na-engage si Thea sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Martin nang mag-propose ito habang nagbabakasyon sila sa Japan. Ibinahagi ng aktres ang masayang milestone ng kanilang relationship sa instagram.
Caption ni Thea sa kanyang post, “11.25.25 (ring emoji). It's sinking in for real now. Hello, my fiancé @_martinjoshua.”
Panoorin ang panayam kay Thea dito: