GMA Logo Wish Ko Lang
What's Hot

Juancho Triviño, nakasama ng 'Wish Ko Lang' sa pagbibigay ng sorpresa sa misis na pinagkaisahan ng hipag at biyenan

By Aimee Anoc
Published June 16, 2023 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH's Herbosa: Letting kids buy, use firecrackers like child abuse
Stray bullet hits house in Lapu-Lapu City
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Wish Ko Lang


Bagong pag-asa ang hatid ng 'Wish Ko Lang' sa misis na si Benita, na nawalan ng asawa at inilayo ang anak ng hipag at biyenan.

Nasaksihan sa Wish Ko Lang: Hipag Wars noong Sabado (June 10) ang hirap na pinagdaanan ng misis na si Benita sa kanyang hipag at biyenan.

Matapos na mamatay ang asawa, kinuha at inilayo naman kay Benita ng kanyang hipag at biyenan ang nag-iisa niyang anak na si Francis. Maraming taon ang lumipas pero hindi tumigil si Benita sa paghahanap sa anak na si Francis. Hanggang sa nitong nakaraang Pebrero, nagkita na si Benita at ang anak.

"Miss na miss ko na ang anak ko. Pero dumating naman 'yung pagkakataon na nagkakausap na kami at dinadalaw-dalaw niya ako. Masaya ako kapag ganu'n. Masaya na rin ako para sa kanya kahit na nasa malayong lugar siya," kuwento ni Benita sa Wish Ko Lang.

Ayon kay Benita, masugid siyang tagahanga ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra. Kaya naman sa pagbibigay ng ngiti at pag-asa kay Benita, nakasama ng Wish Ko Lang at ng Fairy Godmother na si Vicky Morales ang Maria Clara at Ibarra actor na si Juancho Triviño.

Kasama sa mga regalo na ibinigay ng programa para kay Benita ay ang wheelchair, medical assistance, at negosyo packages.

Hindi rin mawawala ang Wish Ko Lang Savings, tulong na pinansyal ng programa para kay Benita.

Nagbigay rin si Juancho ng regalo para kay Benita, isang keychain ni Padre Salvi, na karakter na pinagbidahan niya sa Maria Clara at Ibarra.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI ALECK BOVICK SA GALLERY NA ITO: