
Warning: This article mentions depictions of sexual assault.
Isang maselang eksena ang napanood sa episode kagabi, Febraury 9, sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Sa ika-94 episode ng serye, sinubukan muli ni Padre Salvi na pagsamantalahan si Maria Clara. Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataong ginawa niya ito dahil sinubukan na rin niyang ipilit ang sarili kay Maria Clara noong bagong pasok pa lang ito sa monasteryo.
Ayon kay Kapuso actor Juancho Trivino na gumaganap bilang Padre Salvi, naging very challenging daw para sa kanya ang mga eksenang ito.
"Hardest scene I have ever done in MY ENTIRE LIFE," tweet ni Juancho tungkol dito.
Hardest scene i have ever done in MY ENTIRE LIFE https://t.co/QkAdHCKHjX
-- Juancho Trivino (@juanchotrivino) February 9, 2023
Pinasalamatan rin niya ang co-star na si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose na gumaganap naman bilang Maria Clara dahil sa pagtitiwala nito sa kanya.
"Take a bow, friend. @myjaps Napaka hirap ng eksenang yun, salamat sa tiwala at de calidad na pag bato ng bawat linya at emosyon.. Muchas Gracias Maria ," sulat ni Juancho sa Twitter.
Take a bow, friend. @myjaps Napaka hirap ng eksenang yun, salamat sa tiwala at de calidad na pag bato ng bawat linya at emosyon.. Muchas Gracias Maria 🫶#MCISalvoNiSalvi 📸 @cokecrz pic.twitter.com/AnkheC896d
-- Juancho Trivino (@juanchotrivino) February 9, 2023
"Gracias amigo! Salud! (Thank you, friend. Cheers!)," simpleng tugon naman ni Julie Anne.
gracias amigo! salud! https://t.co/f19R7TfvBJ
-- JULIE ANNE SAN JOSE (@MyJaps) February 9, 2023
Ngayong gabi naman, February 10, makakakuha ng baril si Padre Salvi at babalikan si Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo). Sisilipin din ni Basilio (Khalil Ramos) ang laman ng librong El Filibusterismo pero ikaguguat niya nang tila nabubura ang mga laman nito.
Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA BAGO AT NAGBABALIK NA KARAKTER SA EL FILIBUSTERISMO ARC NG MARIA CLARA AT IBARRA: