Article Inside Page
Showbiz News
2015 is a big year for Kapuso cutie and comedian Juancho Trivino. Matapos ang successful run ng 'Villa Quintana' last year, may bagong project ang binata na magsisimula this April 5, ang Sunday afternoon drama series na 'InstaDad.'
By AEDRIANNE ACAR
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
2015 is a big year for Kapuso cutie and comedian Juancho Trivino. Matapos ang successful run ng
Villa Quintana last year, may bagong project ang binata na magsisimula this April 5, ang Sunday afternoon drama series na
InstaDad.
Bukod pa diyan, regular cast si Juancho sa longest running gag show ng bansa na
Bubble Gang at mayroon na din siyang recurring segment sa show, ang ‘Binatilya.’ Kasama niya dito sina Boy II Quizon, Jan Manual at Roadfill.
Marami tuloy ang nagtatanong sa binata kung ready na ba siya to take the big step and accept more daring projects, tulad ng pagrampa sa Cosmo bachelor bash.
Kuwento ni Juancho sa exclusive interview ng GMANetwork.com na pinaghahandaan daw niya ang pagsabak sa Cosmo ngayong taon dahil matagal na rin daw may nagsasabi sa kanya na sumali dito.
Aniya, “Matagal na rin sa akin sinasabing mag-Cosmo ako, parang last year pa yata and ngayon ko lang nako-consider, parang ngayon ko lang nakikita [ang] sarili ko bilang one of the Cosmo Men. So yeah, I’m working on it.”